Friday, December 24, 2010

Mga Katotohanang Hindi Ko Pinaniwalaan Tungkol Sa Saudi Hanggang Nakita at Naranasan Ko Na

Ilang araw pa lang ako dito sa Saudi at talaga namang sangkatutak na ang mga naging obserbasyon at nalaman ko tungkol sa kanilang lugar.

1. Totoo palang kapag nasa eroplano ka, panay kulay buhangin ang karaniwang makikita mo mula sa itaas. Kung meron mang ibang kulay, ito ay kulay puti na maaaring maging bahay o kaya’y gusali.

2. Sa unang pagsakay ko sa coaster na sumundo sa amin, ang una kong napansin ay ang mga sasakyang maraming gasgas sa gilid, sa harap, at sa likod. Halos 90 porsyento ng mga sasakyang nakita ko mula sa airport papunta sa main city ng Jeddah ay laging may gasgas o kaya’y may groove sa gilid. Marahil dahil ito sa sobrang bilis magpatakbo ng sasakyan ng mga native. Kung ikukumpara ko ito sa Pilipinas, halos lahat ata ng mga sasakyan dito ay nasa left lane ng express way; Nagmamadali, o kaya’y tulad ng sinasabi ko lagi, “Naku, natatae yung driver niyan. Crowning na…” Nasubukan ko na ring sumakay sa kanilang public transport system at tunay ngang para kang nasa roller coaster magpatakbo ang kanilang taxi drivers. Kaya’t kadalasan daw ay panay Road Traffic Accidents ang pasyente sa mga Emergency Room.

3. Mayroon ka talagang maaamoy na hindi kanais-nais kapag nasa pampublikong lugar ka. Ngunit dahil nga baguhan lang ako dito, sinisikap ko ring balewalain ang nalalanghap ko. Lalo na sa taxi. I just experienced riding on a cab and the dominating fume is the ‘combination of spices and curry powder.’ Subukan mo lang pagsama-samahan yung mga spices sa panluto at magkakaroon ka na ng ideya tungkol sa nabanggit ko. Ngunit sa totoo lang, kaya naman talagang tiisin ang ganoong amoy (para sa akin). Parang curry na ewan ang amoy. ;)

4. Women are really protected. Although they claim that Jeddah is already a “semi-open city” you’ll still see a lot of women ‘ninjas’ or women with only the eyes and hands are seen. Funny thing is I had goose bumps the first time I saw one 'ninja woman.' Imagine an all black woman passing in front of you. Yayks. It kind of freaks me out in some way. But eventually I got used to it. And I do respect their religion.

5. You just can’t stare at a woman’s eye. Aside from dictates of religious and cultural practices, you’ll definitely be wary with the possible consequences once your stare has been misinterpreted. Gusto mong makulong o kaya’y malatigo?!

6. The experience of jet lag depends on the person. A lot have claimed that once you travel from west to east or otherwise, a single change in time zone is equivalent to a day of inability to sleep because of the sudden change in the body clock, multiple body aches, or even headache for some. I don’t know with them but I personally did not experience jet lag. The moment I arrived here in the city my sleep wasn’t interrupted. Good for me. ;)

7. Electronics are really way cheaper here as compared to Pinas. An iPad 16 gig for example is 2, 315 Saudi Riyal but in the Philippines it already costs about 37,000.

8. Meron ding MOA sa Jeddah. Kung sa Pasay city ay Mall of Asia, sa Jeddah naman ay Mall of Arabia. Kung sa Mandaluyong ay merong Megamall, aba, ang Saudi meron ding Megamall! Sa Alabang diba may Metropolis na naging Star Mall, sa Jeddah meron ding Star Mall. Astig! Haha.

9. Kahit saan ata ay mayroong mga Pilipino. Lalo na sa hospital namin, kahit saan ka lumingon may Pilipino. At sa sobrang laki ng ospital namin, hindi ka mawawala dahil may maaari kang pagtanungang Pinoy. Kahit nga sa Ballad na parang Divisoria o kaya’y Quiapo ng Pilipinas ay sangkatutak ang mga Pilipino.

10. Marunong mag-Filipino ang mga Saudi vendors. Dito talaga ako sobrang naaliw. Tawa ako ng tawa noong una akong nakarinig ng ibang lahi na, “Pare, dito kayo, mura dito. Anong gusto mo? Bibigyan kita ng discount!” O diba, saan ka pa?!

Marami pa akong nais idagdag ngunit talagang iniimbita na ako ng aking higaan. Sa susunod na lang muli.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share this post!